Aired (November 8, 2025): Si Angel Mejos, sampung taong gulang, ay isa sa libu-libong residente ng Naic, Cavite na sana’y makikinabang sa itinayong Super Health Center sa kanilang bayan—isang proyektong hanggang ngayon ay hindi pa rin natatapos. <br /><br />Dahil sa kakulangan ng maayos na pasilidad, napipilitan pa rin silang bumiyahe patungong Maynila upang magpagamot. Bakit nga ba hindi maakinabangan ang super health center sa kanilang lugar? Ang buong ulat, panoorin sa video. #ReportersNotebook
